'Consistent at persistent!' Erich admits having someone's special - Pinlol

Pinlol is the blog that provides everything free, like free applications,cheats, tips also this blog have a news page and gaming news

Wednesday, March 21, 2018

'Consistent at persistent!' Erich admits having someone's special

Image result for 'Consistent at persistent!' Erich,


Image result for 'Consistent at persistent!' Erich,



"We're just getting to know each other." Ito ang sinabi ng aktres na si Erich Gonzales sa napapabalitang non-showbiz niyang manliligaw. 

Image result for erich gonzales

Sa panayam sa aktres nitong Miyerkoles para sa kanyang bagong endorsement, naging bukas si Erich tungkol sa bagong manliligaw na nakilala niya noong nakaraang taon.
Ani Erich, kapatid ng nobyo ng singer na si Claudia Barretto ang lalaki. 
Matatandaang mabuting magkaibigan si Erich at kapatid ni Claudia na si Julia Barretto.
Dagdag ng bida ng seryeng "The Blood Sisters," pribado at "too good but true talaga" ang nauugnay sa kanya ngayon.
"I will let you guys know kung mayroon nang klaro, kapag clear na clear na talaga. Pero now po, we are just getting to know each other kasi importante 'yon, hindi ba?" ani Erich.
"Siyempre natuto na tayo. Kailangan talaga bago pumasok sa isang relasyon, kailangan po kilalanin muna 'yung isa't isa. Hindi enough 'yung okay, ito na," dagdag ni Erich na dating nakarelasyon ang aktor na si Daniel Matsunaga. 
Kuwento ng aktres, handang maghintay ang kanyang manliligaw lalo't naka-focus siya ngayon sa kanyang trabaho.
"In fairness sa kanya, consistent and persistent siya. Hindi lang puro sa salita, pero sa gawa. We will see talaga. We don't know, at kahit sabihin ko na gusto ko siya na, [baka] hindi naman kami para sa isa't isa. So ngayon, we are just enjoying each other's company siguro at kinikilala pa namin ang isa't isa. Kasi what if may ma-discover kami sa isa't isa na hindi pala okay? Mas mabuting ngayon pa lang habang wala pa," ani Erich.
Kahit hindi naging maganda ang dating mga relasyon ng aktres, iginiit nito na hindi siya napapagod magmahal.
"Ang puso hindi napapagod magmahal. Kailangan lang ibigay mo siya sa taong karapat-dapat," aniya.
Ayon kay Erich, kung siya ang masusunod, mas gusto niyang makarelasyon ang hindi taga-showbiz.
"Sa totoo lang, hindi natuturuan ang puso. It just happens. Pero kung ako may option talaga or kung may [choice] ako, siyempre gusto natin ay private na lang. Para ako na lang ang nasa showbiz. Para may ibang life rin tayo outside showbiz, hindi ba? Marami kayong mapag-uusapan hindi lang sa showbiz. Marami kayong matututunan sa isa't isa," aniya.
credit:abs-cbn

No comments:

Post a Comment